CHAVIT SINGSON MAGBIBIGAY NG P5 M KAY CARLOS YULO KUNG PAPARAWARIN ANG INA

Описание к видео CHAVIT SINGSON MAGBIBIGAY NG P5 M KAY CARLOS YULO KUNG PAPARAWARIN ANG INA

Anong ganap sa mundo ng showbiz
Ipinahayag ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson na magbibigay siya ng P5,000,000 kay Carlos Yulo, ang dalawang beses na nagwagi ng Olympic gold medal, kung tatanggapin nito ang pera kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Singson na iniaalok niya ang deal upang matulungan si Carlos na makipagkasundo sa kanyang pamilya at pag-usapan ang kanilang mga hindi pagkakaintindihan.
Nilinaw rin ni Singson na hindi niya ibinibigay ang P5-M kay Carlos dahil sa pagkapanalo nito ng ginto kundi upang maging tulay para ayusin ang pamilya ng atleta.
“Para lang magsama-sama silang mag-pamilya, magbibigay ako ng P5 milyon. Hindi [dahil] sa panalo niyang gold sa [Olympics], more on sa pamilya,” ani Singson.
“Kasi nararamdaman ko ‘yung… Masakit sa ama na aawayin ka ng anak mo at ‘di man lang sila inimbita,” dagdag pa niya.
Ramdam din ng negosyante na magiging mahirap para kay Yulo na harapin ang kanyang ina dahil sa kanilang mga isyu.
“Ang sigurado, si Carlos Yulo at ‘yung tatay, ‘yung pamilya nila. ‘Yung nanay ang kinakausap pa kasi masama ang loob nung bata kasi may away yata noong nakaraan,” pahayag niya.
Gayunpaman, sinabi ni Singson na magiging masaya na siya kahit ang ama lang ni Carlos ang dumalo sa presentasyon ng P5-M.
“May sinabi sa’kin eh. ‘Di ko lang dito mabanggit ‘yung personal away ng ina. Pero ‘yung tatay, pumayag nang magbati sila kaya dadalhin pamilya sa’kin,” ani Singson.
“Importante kasi sa’tin ‘yan. Dahil ang bilin ng Diyos, sampu lang eh. Honor thy father and mother, ‘di ba?” dagdag pa niya.
Hinimok din niya si Carlos na patawarin ang kanyang ina.
“Nakikiusap ako… [‘Pag] maligaya kayong pamilya, maligaya na rin ako. Kaya magbibigay ako ng P5 milyon sa pamilya niyo kung mapatawad ninyo ang isa’t isa,” sabi niya.
Maaalalang naging publiko ang alitan ng pamilya ni Carlos matapos umanong tumanggi si Gng. Yulo na suportahan ang kanyang anak base sa kanyang mga post sa Facebook.
Lalong lumala ang isyu nang sabihin ni Carlos na “zeroed” ang kanyang mga bank account ng kanyang mga magulang.
Gayunpaman, ang mga magulang ni Carlos ay itinuturo ang kasintahan ng gymnast na si Chloe San Jose na diumano’y sanhi ng lahat ng problema sa kanilang pamilya.

chavit singson offers p5 million to carlos yulo for family,
chavit singson nag-offer ng p5m kay carlos yulo at sa,
chavit singson carlos yulo,
chavit may pa-₱5m kay carlos yulo para sa unity ng,
chavit singson is pledging p5 million to carlos yulo,
chavit singson handa magibgay ng 5million kay carlos yulo,
chavit singson magbibigay ng 5 milyon sa pamilya ni yulo,
***
ARTISTA PH,
ANONG GANAP,
ANONG GANAP SA MUNDO NG SHOWBIZ
***
All videos and photos used in this video are believed to fall under fair use for the purposes of criticism, comment, and news reporting. No copyright infringement is intended. If you are the copyright holder of any material and do not wish for it to appear in this video, please contact me and I will remove it promptly.
***
ARTISTA PH is accepting paid promotions. For inquiries, please message our page or e-mail us at [email protected]

Комментарии

Информация по комментариям в разработке