Pagbilang ko ng tatlo, jamming tayo! Itaas ang kamay kung naranasan mo nang magpaubaya, o ‘yung maglaro ng tagu-taguan ng feelings. Anuman ang hugot, haharanahin ka ni Moira Dela Torre, na inawit ang isa sa mga bagong kanta from her EP, “I’m Okay.”
You better not cry dahil all-smiles lang ang performance ni Moira today, na super chill sa pagbati ng “What’s up, Madlang People!” Para sa mga relasyon na sa umpisa lang maganda ang mensahe ng bago n’yang kanta! Si Kim Chiu, bakit ang taas ng reaksyon? Pero si Lassy, parang relax na relax lang ang facial expression!
But, wait, there’s more! Happy na, birthay pa ni Kuys Teddy Corpuz! And for this occasion, may sweet na mensahe ang ‘Showtime’ family ni Teddy!
It’s the most wonderful time of the year! Ang mga araw n’yo, pupunuin namin ng cheer. Damhin ang holiday spirit sa “And The Breadwinner Is.” Ang huhula for today’s video ay si Kapamilya actress Iza Calzado. ‘Mama Mary’ kung siya ay tawagin, kaya for sure, Divine wisdom ang tutulong sa kan’ya na mahulaan kung sino ang breadwinner na nagtitinda ng sisig.
Habang si Iza ay seryoso sa pagkilatis, ang ‘Showtime’ family naman, kagulo dahil sa aktingan, laugh trip ay itinodo. Si Darren Espanto, on point ang pagiging conyo. Si Jackie Gonzaga, mukhang tinamaan sa hugot ni Breadwinnable 2 tungkol sa sisig. At ang bagong botox na si Lassy, nag-mukhasim dahil sa kalamansi!
Si Trabahador 2 ang tinayaan ni Iza. And for the first time, may tumama na sa hula. Ang hinahanap na breadwinner ay si Trabahador 2 nga!
Ang kwento ng buhay ni Breadwinnable 2, tunay na hahangaan mo at kukurot sa’yong puso. Eight years old pa lang ay nagsimula na s’yang kumayod para sa pamilya. Mabigat man ang responsibilidad na nakapatong sa balikat, hindi siya susuko kahit pa sa sobrang pagbibigay ay wala nang natitira para sa sarili niya, na kahit ang personal na pangangailangan ay ‘di na rin niya matugunan. Kaya ang paalala ni Vice Ganda, mahalin din ang sarili at matutong tumanggi kung may pagkakataon. You cannot pour from an empty cup, dagdag ni Iza, at ito’y isang paalala para sa lahat ng mga bagong bayani ng pamilya.
Passionate sila sa eskwelahan pero may ibubuga rin na talent sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Panoorin ang journey ng dalawang aspiring singers sa daily round.
Walang takot na bumida sa entablado si Mernil Joyce Estrera ng Sto Nino Mactan Montessori School. Hindi lang boses ang flinex, kundi pagmamahal sa bayan sa pag-awit niya ng “Ako’y Isang Pinoy.”
Imahe naman ng talento at determinasyon ang pambato ng Nueva Ecija University of Science and Technology, si Ricky Pineda, na hinarana ang madlang people sa awiting “Imahe.”
Mahigpit ang naging laban. Si Mernil ay nakakuha ng score na 90.3%; samantalagang 90% naman ang kay Ricky.
#ShowtimeDisyembreyyy
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment
Информация по комментариям в разработке