Kapangan - Santol Road | SOLO RIDING ADVENTURE

Описание к видео Kapangan - Santol Road | SOLO RIDING ADVENTURE

Kamakailan ay napasinayaan ang ilan sa bahagi ng bagong ginagawang kalsada na magdudugtong sa Launion at BengueT sa pangunguna ni Senator Imee Marcos

Ang Santol La aunion, to Kapangan Road ay isang government project na magdudugtong sa bayan ng Santol at San Gabriel La union patungong Kibungan hanggang sa bayan ng kapangan sa Benguet. Ito ay may habang mahigit kumulang 40 kilometers na dadaan sa nag tatangkarang mag batong bundok. Ang proyektong ito ay bahagi ng Inter-Linking Regional Road Project na ang layunin ay para magawan ng magandang kalsada ang ilang bayan ng Ilocos Sur at La union patungong Benguet at para mas mabilis din ang palitan ng mga produkto ng mga nabanggit na mga probinsya. Ito ay may budget na 1.1 billion Pesos at naasahang namang matatapos sa taong 2026.

Sa nakaraang video ay inakyat ko ang Kapangan Benguet mula sa Bagulin La union at nasubukan ko kung gaano ka fulfilling ang pagtahak ko sa liblib na daan na yan.
Ang video naman natin ngayon ay ipapakita ko sa inyo ang kalsadang magdudugtong mula Kapangan Benguet pababa sa Santol Launion.
Hindi ko mapigilang ma excite dahil bukod sa mabilis na byahe balang araw ay makikita rin ko rin tanawin ng nagtatangkarang mga batong bundok na hindi ko aakalaing nasa pilipinas pa ako. Pero bago kayo ma excite sa kwento ko, hindi ko pa nababanggit ang istsura ng kalsada dito. Sa bungad palang ay mabato at loose na ang mga graba at buhangin. Nanginig ng konti ang tuhod ko pero panalo ang view dito.

Samahan nyo ako muli sa isa na namang adventure sa Kapangan Benguet.


LIKE, SHARE AND SUBSCRIBE PLEASE

Click the link below for 1 month free of premium Background Music from EPIDEMIC SOUND:
https://share.epidemicsound.com/q3beiz

Facebook: MIKETVETC
Instagram: miketvetcsolorides
MERCH ONLINE STORE: https://tinyurl.com/2p86a3tu

Комментарии

Информация по комментариям в разработке