Babangon si Juan - Brian Vee

Описание к видео Babangon si Juan - Brian Vee

Babangon si Juan - Brian Vee
Masakit ang ulo ni Juan
Pagising niya s aumaga
Kakasimula lang ng linggo pero ang mga balikat niya ang parang ngawit na ngawit na
Ang bigat ng kanyang nakaraan na pilit pinapaalala sa kanya sa mga tuhod niyang pagod na pagod na
Kanyang mga paa ay naubusan na ng sigla
At ang pag asa na balang araw na ang lupang tinatapakan niya
Na maituturing na lupang hinirang
Hindi lamang sa liriko ng kanta
Si Juan ay hindi nag iisa
Ang mga paaa, tuhod, balikat, at ulo sa paligid niya
Ay naghahanap din ng sagot
Kung paanong ang dating duyan nang magiting ay ngayon, naging kama ng pagod
Hindi makabangon si juan
Bumper to bumper ang mga unan sa kamang kanyang hinihigaan
Malamang sa labas ay traffic na naman
Iniisip niya...iniisip niya ang mga kalsadang sarado, mga kanal at esterong barado
Na umambon lang ng saglit ay sigurado babaha ng lampas tao
Tinatamad nang bumangon si juan
Minsan napapaisip siya
Bakit kailanagn pang sabihin na bawal umihi dito, bawal magtapon ng basura dito o bawal tumawid may namatay na dito
Mga bagay na hindi mo na dapat ipaalala sa mga taong disiplinado
Hindi makabangon si Juan
Iniisip niya ang mga pusong kalyado, na mga pinunong hindi niya mawari kung kalaban o kaalyado
Hindi na ba makakabangon si juan?
Kasi hindi narin mabilang ang mga sunog at bagyo na ngayon siya'y nanakawan na naman
Paano ba makakabangon si juan
Gustuhin niya man, hindi niya mapag isa ang mga parte na pagod at bugbog niyang katawan
May kanya-kanyang katwiran
Paa, tuhod, balikat, ulo
Hindi makabangon
Paa, tuhod, balikat, ulo
Naubusan na nang lakas ng loob
Paano nga ba makakabangon si juan
Kailangan pa bang bumangon
Baka pwedeng hindi na
Hindi na kaya ng kanyang katawan
Masyadong madaming higante sa kanyang harapan
At sa kanyang pag-iisip at pagtitig sa kawalan
Unti-unting nagtagpo ang mga palad ni Juan
"Panginoon, di ko na po kayang tumayo"
Nagising si Juan!
Nagising si Juan sa katotohanan
Na kaya hindi siya makabangon ay umaasa pa rin siya sa sarili niyang kakayanan sa mahina niyang katawan
Bumangon si Juan
Gamit ang lakas mula sa itaas
Mula sa nag iisang tagapagligtas
Ang may ari ng mga paang sa putik nakabakas na mga tuhod na unang lumuhod
Ang balikat na kahit pagod ay binuhat ang krus ng kabigatan
At ang ulo na sumalo ng korona ng lahat ng makasalanan
Makakabangon si Juan
Kung iaalay niya sa Diyos ang kanyang paa, tuhod, balikat ulo, buhay diwa, isip at puso sa kanya
Na kung saan ang tagumpay ay sigurado
Susi ng mga pusong sarado
Ang haring panalo ang lakas at pag-asa ng lahat ng tao
Makakabangon si juan
At hindi siya babangon nang mag-isa
Dahil tayo ang paa, tuhod, balikat at ulo sa paligid niya
Ay kasama niyang tatayo
Titingala ang ulo sa bughaw na kalangitan
Sa balikat ng kapitan
Na may kapangyarihang palitang ang mga tuhod, na dating tuhod ng alipin
Ngayon lahat na tapakan ng paang ito ay atin
Kaya't ideklara na natin
Ang bansang pilipinas
Pinagpala ang bayan natin
Pinagpala ang ating bansa
Dahil pangako niya noon
At pangako niya ngayon
Pinagpala ang bayan na ang Diyos ay Panginoon


Video Credits to Victory

Комментарии

Информация по комментариям в разработке