5 Paraan ng Diablo Para Sirain ang Buhay Mo!

Описание к видео 5 Paraan ng Diablo Para Sirain ang Buhay Mo!

Ano kayang koneksyon ng Diablo sa ating kapighatian at paghihirap? Nagtataka ka ba sa buhay mo kung bakit parang walang nangyayaring progreso? Palagi ka nalang nanghihina sa iyong pananampalataya? Magiging ok ka sandali pero pag nagkaron ng challenges ay lalayo na naman sa Diyos. Tapos pag may magandang nangyari sa buhay maga-attempt ka namang lumapit sa Kanya kaya lang dahil sa naging busy ka na naman sa work ay nahinto ulit ang paglapit mo kay Lord, tapos paulitulit lang itong cycle na ito. Lalapit sa Diyos, magkakaproblema tapos lalayo ulit. Maaaring tinanggap muna ang Panginoong Hesus sa buhay mo kaya lang nararanasan mo talaga ang sunodsunod na pagkatalo sa kalaban natin ang diablo. Nakangiti syang tinutuya ka tuwing nalulugmok. Masayang masaya siya tuwing nagagawa nyang palayuin ka sa Diyos at mapigilan ka nyang magawa ang purpose ng Diyos sa buhay mo. Kaibigan hindi lahat ng kapighatian ay galing sa diablo pero marami syang ginagawa sa buhay natin para humantong ka sa kapahamakan na magreresulta ng ibatibang problema lalo na kung hindi ka aware sa mga pamamaraan niya para sirain ang buhay mo. Gusto kong malaman mo ang mga ginagawa nyang taktika sa buhay mo at sa ating lahat upang hindi lumalim ang pagkakilala natin sa Diyos, at magkaron ng makabuluhan at matagumpay na buhay. Kaibigan dinisenyo ka ng Diyos upang magtagumpay at hindi maging talunan, ginawa ka para maabot mo ang iyong full potential na hindi mo pa naiimagine. Kaya lang hindi mangyayari sayo ito hanggang nabibiktima ka ng Diablo ng ibatibang kapamaraanan para sirain ka. Kaya ito ang paguusapan natin kung ano ang mga stratehiya ni Taning na kailangan natin malaman upang mapaglabanan natin ito at mapagtagumpayan sa tulong ng Diyos.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Script: https://www.dropbox.com/s/ygxo6477urq...

#diablo #satanas #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF

Комментарии

Информация по комментариям в разработке