God is In Control: Pawiin ang Takot At Pagaalala

Описание к видео God is In Control: Pawiin ang Takot At Pagaalala

Kaibigan natatakot ka ba sa future? Na-realized ko na nakakatakot naman kasi talaga lalo na kung hindi mo alam ang mangyayari sa hinaharap. Nababalisa tayo kapag yung ating plano ay hindi nangyayari sa paraan na gusto natin. Kapag may nangyaring problema na hindi natin inaasahan at alam mo na wala kang kakayahan na masolusyunan ito ay ang tendency ay sumuko agad. Nakakalimutan mo na merong Diyos na nagmamahal sa iyo at Siya ang may kontrol ng lahat.

Nakakalungkot kasi maaaring nalapitan mo na ang lahat ng kakilala mo, nalapitan mo na din ang bumbay, ibinuhos mo na ang lahat ng lakas mo sa trabaho at iba pang sariling diskarte at narealize mo na teka may isa pa akong hindi nalalapitan. Susubukan ko naman ang Diyos. Kaibigan mabuti ito dahil na-realized mo na merong Diyos na pwede mo lapitan pero mas mabuti pa din na kung ano man ang iyung pagdadaanan ay ang uunahin mo ay ang Diyos. Bakit? Kasi Siya lang ang may kontrol ng lahat.

Kaibigan pwede kang kumain ng tama, mag-exercise pero hindi mo kayang itakda ang araw ng iyong buhay dito sa lupa. Kapag tinamaan ka ng sakit doon mo mare-realize na wala kang magagawa para pigilan ito. Yung outcome ng lahat ng effort mo ay hindi manggagaling sa iyong will power. Pwede kang magsipag sa trabaho, pwede kang magaral mabuti, pwede mong gawin kung anong gusto mong gawin pero yung outcome at consequence ay wala sa iyung kontrol.

Kaya nga kailangan nating ipaalala sa ating sarili na yung kontrol ay wala sa atin. Na pati ang buhay natin at ang lahat ng meron tayo ay ang kontrol ay nasa Diyos. Ang ibig sabihin ay ang lahat ng nangyayari, ang lahat ng tao, ang lahat ng bagay, nakikita o hindi nakikita ay nasa kamay ng Diyos. Ang tawag dito ay sovereignty. Kapag sinabi nating ang Diyos ay sovereign ang ibig sabihin ay walang mangyayari na kahit anong bagay na hindi niya alam at na hindi niya pinapayagan. Hindi siya magugulat at sasabihin Niya ay sorry hindi ko ini-expect ito, hindi ko ito nakita, nabigla din ako sa nangyari. No, hindi alam niya ang lahat ng bagay kaya nga kaibigan ito ang magbibigay sa atin ng encouragement. Bakit? Kasi hindi lang sovereign ang Diyos, hindi lang siya ang may kontrol ng mga bagay kung hindi siya pa ay mabuti. At na-realize ko kung hindi mabuti ang Diyos naku nakakatakot isipin na siya ang may kontrol ng lahat kasi siguradong dapangdapa na tayo ngayun.

Pero dahil sa napakabuti nya, napaka mapagmahal Niya ay pwede tayong magtiwala sa Kanya. Pwede nating ipagkatiwala ang ating buong buhay sa Kanya kahit pa nga may mga challenges tayong pinagdadaanan.

Kaibigan ito ang ating paguusapan natin kung paano pinapakita sa atin ng Diyos na Siya ang may kontrol ng lahat. Tapusin mo ang mensahe na ito upang mapalitan ang iyung pagaalala ng tapang, upang mapalitan ang iyung pagdududa ng pananamapalataya at upang mapalitan ang iyung kalungkutan ng kagalakan na nanggagaling sa Diyos.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Worship Message: https://bit.ly/SCRIPT-GodIsInControl
Life Application Guide: https://bit.ly/LAG-GodIsInControl

BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero

#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF

Комментарии

Информация по комментариям в разработке