🏍️ FULL: BATANES OF THE EAST IN DINGALAN, AURORA | DINGALAN AURORA BEACH | DINGALAN TOURIST SPOTS

Описание к видео 🏍️ FULL: BATANES OF THE EAST IN DINGALAN, AURORA | DINGALAN AURORA BEACH | DINGALAN TOURIST SPOTS

BATANES OF THE EAST IN DINGALAN, AURORA RIDE | DINGALAN AURORA TOURIST SPOTS | PACIFIC VIEWDECK | DINGALAN GROTTO | DINGALAN FEEDER PORT | PACIFIC BUDDIES RESORT | DINGALAN AURORA BEACH RESORTS

Sa Silangang bahagi ng Luzon sa Pilipinas, iyong makikita ang isang bayan na pinagpala ng mga tanawing likas sa kagandahan.

Ito ang bayan ng Dingalan sa Aurora.

Sa videong ito ay ating dadalawin ang ilan sa mga naggagandahang pasyalan sa bayang ito gaya ng Grotto ng Nuestra Senora Dela Paz y Buen Viaje, ang pag-abang sa Sunrise mula sa Pacific Ocean view sa Pacific Buddies Resort at ang kahanga-hangang tanawin ng Pacific Viewdeck. Madadaanan din natin ang makasaysayang bayan ng Gabaldon at ang tanyag na daanan dito. Kaya’t samahan niyo kaming muli sa aming biyahe dito sa nakakamanghang bayan ng Dingalan.

Sisimulan natin ang videong ito dito sa Bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija.

Ang Gabaldon ay isang Third-class Municipality sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang view na ito ng Gabaldon ay ang sikat na stop-over ng mga turistang nais kumuha ng mga larawan dahil na rin sa napakagandang view ng daan na kitang-kita ang natatanging bundok ng Sierra Madre.

At ilang minuto lang ng biyahe, ang bayang ito ang siyang magiging daan para marating natin ang bayan ng Dingalan.

Pagkatapos naming kumain ay hinanap na naming ang susunod naming itinerary, ito ang Grotto ng Nuestra Senora Dela Paz y Buen Viaje.

Ipinagpatuloy namin ang aming biyahe at sa bungad pa lang ng matarik na daan paakyat dito ay kitang-kita mo na ang nakakamanghang mga tanawin na lalo pang pinaganda ng kitang-kitang Pacific Ocean na tanaw na tanaw mula sa itaas ng Sierra Madre Mountain.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang Grotto ng La Nuestra Senora dela Paz o ang Dingalan Grotto.

Ang Grotto ng La Nuestra Senora dela Paz y Buen Viaje o ang Patron ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay at Patron ng mga Mangingisda (Our lady of Peace and Good Voyage) ay isang kilalang pasyalan sa bayan ng Dingalan. Matayog itong nakatayo sa itaas ng Dika Road sa mga kabundukang sakop ng bayang ito.

Ayon sa kasaysayan, dumating ang imahe nito noong May 31, 1747 nang ito ay ibigay ni Don Felipe Buencamino bilang regalo sa kaarawan ng kanyang may bahay na si Maria Buencamino na siyang nagpatayo naman ng kauna-unahang simbahan para sa Nuestra Senora dela Paz y Buen Viaje.

Sa mahaba-habang panahong paggabay ng Mahal na Ina sa Barangay Paltic ay marami na ring pagmimilagro ang sinasabing nararanasan ng mga mamamayan, kabilang dito ang naganap na kalamidad noong 2004 na niligtas ang barangay sa matinding sakuna dulot ng landslides at pagbaha.

Kaya naman itinayo at iniharap ito sa Dagat Pasipiko na siyang sisimbolo sa kultura ng Dingalan at magsilbing Faith Tourism Attraction para sa mga turista. Ito ay nilikha nina Anna Cecilia Schmidt at Sonny Agudo Balanga.

Pagkatapos naming bisitahin ang lugar na ito ay nagtungo na kami sa isa sa mga highlights ng aming biyahe. Ito ang Pacific Viewdeck na matatagpuan ilang minuto lamang na biyahe mula sa Grotto.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang Pacific Viewdeck.

Sa bahaging ito ay ating matatanaw ang tinaguriang Batanes of The East view at ang Dingalan Lighthouse.

Matapos ang aming pagdalaw dito ay tumuloy na kami sa aming nahanap na pahingahan – ito ang Pacific Buddies na matatagpuan sa katimugang bahagi ng Dingalan sa Aurora. Mula sa Pacific Viewdeck ay babiyahe tayong muli ng humigit kumulang 30 minutes.

Dahil sa ramdam na namin ang pagod, kumain kami at pagkatapos ay natulog na at dito na namin tatapusin ang aming paglalakbay sa unang araw.

Nag-usap kami ng aking kasama na maaga kaming gigising para masilayan ang sunrise kaya 4:40 pa lang ay nagising na kami.

Medyo makulimlim ngayong umaga at may kaunting ambon pero susubukan pa rin naming abangan ang sunrise.

Bago nga namin lisanin ang Bayan ng Dingalan, Aurora ay amin munang dinaanan ang ilang mga scenic views sa gilid ng mga kalsada pauwi.

Dinaanan na rin namin ang Butas na Bato Viewdeck.

Tunay nga na biniyayaan ang Dingalan ng sari-saring tanawin na bubusog sa ating mga mata. Hindi man namin napuntahan ang iba pang pasyalan gaya ng Lamao Cave, Dingalan Lighthouse, at marami pang iba, ay sisiguraduhin namin na isasama pa rinnamin ito sa mga susunod na bucket list namin sa hinaharap.

CREDITS:
Short Clips: UNICO Motovlog
Music used in this video: https://inaudio.org/track/majestic-vi...
Author: https://inaudio.org/

RIDING & VLOGGING EQUIPMENTS:
✅Redmi Note 10 Pro (for video recording)
✅Oppo Reno 7z 5G (for voice-over recording)
✅DJI Mini SE Drone
✅SJ Cam C200 Action Cam
✅SJ Cam 4000 Air Wifi Action Cam
✅Telesin Mini Tripod
✅Telesin Helmet Motorcycle Bracket
✅Xiaokoa Lavelier Microphones
✅Yamaha Aerox 155
✅Motowolf CP Holder/Bracket
✅Evo Helmet

#sirpogielyu

FOR SPONSORSHIP AND INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
✅EMAIL: [email protected]
✅TEXT/CALL: +639102820549
✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU

Комментарии

Информация по комментариям в разработке