PAANO MAGLUTO NG SARIWANG LAING ( MY OWN VERSION )

Описание к видео PAANO MAGLUTO NG SARIWANG LAING ( MY OWN VERSION )

Kilala ang bicol sa ulam na ito na sadyang masarap. Maaaring gumamit ng ibang pansahog gaya ng tinapa, tuyo, daign, taba ng baboy or kahit may kasamang laman, hehe. Basta siguraduhing masarap ang kalalabasan:)
Sa paraan ng paglulutong ito at sa mga sangkap na ginamit ko, talagang naging masarap ang laing.

Paraan ng pagluluto:
1. Ihanda ang mga sangkap na nakalista sa video.
2. Maglagay ng mantika sa mainit na kawali/ kaldero.
3. Gisahin ang bawang, sibuyas at luya.
4. Gisahin rin ang bagoong. Haluin ito ng marahan.
5. Ibuhos na ang kakang gata.
6. Maglagay ng asin, paminta at asukal ayon sa sukat na nakasaad sa video.
7. Hintaying kumulo ang gata.
8. Ilagay na ang dahon ng gabi. Pagkatapos ng 2 minuto, isunod na ilagay ang mg tangkay ng gabi.
9. Ilagay na ang dilis.
10. Lagyan na rin ng sili. Kung gusto ng mas maanghang na luto, dagdagan pa ang siling ilalagay.
11. Takpan ito at lutuin sa loob ng 30-40 minutos. Lututin itong mabuti.
12. Hintaying lumapot ang gata o matuyo ang sabaw. Maari ring huwag patuyuin masyado ang sabaw. Depende sa gusto ninyo.
13. Ilagay sa mangko o plato. Kainin ng may kanin at ng may pusong naroon ang pasasalamat sa Panginoon na Siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya:)


#sariwanglaing #taroleavesrecipe #bikolnonrecipe

Комментарии

Информация по комментариям в разработке