It’s Showtime August 9, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 9, 2024 | Full Episode

Go for gold ngayong fun Friday, madlang people! Kung pataasan ng energy ang labanan, gold medal tayo d’yan! Kung pagod naman ang nararamdaman, “It’s Showtime” na magbibigay sa’yo ng inspirasyon at pahinga.

Chill lang muna kasama sina Anna Luna, CJ Navato, at Sheena Belarmino. Hatid nila’y isang sample act from “One More Chance The Musical,” na magkakaroon ng re-run!

Competitive mode on ang ‘Showtime’ hosts sa hulaan at masayang bardagulan. Give na give naman sa aktingan ang ‘Showing Bulilit’ kids Imogen, Kulot, Kelsey at Jaze.

Ang magkakapares: Ryan Bang at Ion Perez, Vice Ganda at Lassy, MC at Bela Padilla, JM dela Cerna at Marielle Montellano, and Jugs Jugueta with Cianne Dominguez.

Pabilisan sa pagpindot ang labanan. Pero ang JMielle, bakit parang tahimik lang? Mukhang may kinalaman si Vice Ganda – totoo bang may pagbabanta s’ya sa dalawa? Bulol moment ni Ryan ay pinagbigyan, pero si Bela may apela at ayaw isuko ang laban. ‘Yun nga lang, hindi gumana ang ‘gigil’ ni Bela, dahil Vice-Lassy ang umabante sa jackpot round.

Sabi nila, walang talo ‘pag nagmamahal. Kahit pag-ibig ay hindi tumagal, hatid naman nito’y hindi malilimutang saya at mga aral. Maki-hugot with the ‘Showtime’ family and ex-couple Ann and Venz sa ‘EXpecially For You.”

Fresh pa ang ‘final’ hiwalayan nina Venz at Ann. Sa loob ng mahigit dalawang taon, halos sampung beses silang nag-break. At aminado si Venz na sa bawat breakup at comeback, pagmamahal niya’y unti-unting nababawasan. Pero, si Ann, handa itaya ang lahat at manuyo nang wagas para lang relasyon nila’y maayos pa’t hindi magwakas.

Dito na nagsimulang magbilangan ang mag-ex. Sino ang mas nagbigay? Sino ang mas nagmahal? Damang-dama pa ang galit. Kaya si Vice Ganda at ang ‘Showtime’ family, may payo tungkol sa ‘sumbatan’ ng dalawang taong noo’y nag-ibigan.

Golden mikropono ang susubukang sungkitin ng dalawang estudyanteng palaban sa singing. Talento ay magniningning sa “Tawag Ng Tangalan The School Showdown.”

Ang scholar ng University of Cebu, Julia Heredia, bumirit ng “Bakit Pa?” Bukod sa pagiging singer, pangarap din n’ya ang maging voice actor.

Walang laban na uurungan ang pambato ng City College of Calapan, Isay Olarte, na chill at swabe lang ang atake sa pagkanta ng “Hulaan,” kaya ang mga hurado’t madla, parang dinuduyan.

Matapos makakuha ng score na 98%, si Isay ang umangat sa tanghalan.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке