It’s Showtime August 31, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 31, 2024 | Full Episode

The more, the merrier! Good vibes talaga ‘pag tayong lahat ay together. Full force ang buong ‘Showtime’ family sa pagkasa sa “Maybe This Time” Dance Challenge sa pangunguna nina Jhong HIlario, Vice Ganda, Ion Perez. Pati mga hurado, break muna sa pagkanta para ipakita ang moves nila!

Jam-packed ang ‘Showtime’ stage sa dami ng bisita—drag queens, ex-PBB housemates, Hashtags, content creators, and more. Teka, teka, kanino ba nagsimula ang “Maybe This Time” dance craze? Sa isang estudyante, si Ralph Villaruz. Kung curious kayo kung paano ipinanganak ang trend na ‘to, watch the video dahil ire-reveal ni Ralph ang buong kwento!

Love won’t end talaga ‘pag kasama ang ‘Showtime’ Kapamilya!

Mahigpit ang mga teachers sa ika-apat na Midterms ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Pero hindi magpapasindak ang mga estudyanteng handang lumaban para sa pagkakataon na maging Top 1.

Mga kanta’y bibigyan ng sariling bersyon sa Round 1. “Kilometro” ni Sarah Geronimo, may bagong istilo, thanks to College of Our Lady of Mercy of Pulilan Foundation Incorporated’s pambato, si Eduard De Leon. Kung may “Maybe This Time” dance craze, pwede bang “Kilometro” Dance Challenge naman ang next target? Simulan n’yo ang pa-sample, Eduard and ‘Ate Girl’ Jackie Gonzaga.

“Tadhana” ay pinintahan ng bagong kulay ni Sean Pongos ng PATTS College of Aeronautics. Bagama’t nabilangan tulad ni Eduard, buo pa rin ang loob ni Sean na lumaban hanggang dulo.

Nagbabalik sa entablado si Isay Olarte. Bersyon niya ng “Mundo,” talagang kikiliti sa pandinig mo.

Concert-like performance ang handog ni Janelle Napalcruz ng Western Mindanao State University sa pagkanta ng “Rather Be.” Go, Janelle, i-own lang ang entablado–suportado ka ng pamantasang mahal mo.

Si Arvery Lagoring, muling ipinamalas ang galing! “Tatsulok” ay kanyang binali para bigyan ng bagong tunog. Claret School of Lamitan, siguradong proud sa kanyang performance.

Kilig naman ang bitbit ni STI College-Lipa student Martin Lacdao sa entablado. Madla ay kanyang hinarana sa awiting “She’s Always A Woman.”

Top 3 ang umabante sa Round 2. Ito ay sina Arvery, Isay, at Janelle. Sa Round na ito, ilalaban na ng Top 3 ang kanilang pangmalakasang piyesa. Hindi mo pwedeng ma-miss ang pagkanta ni Arvery ng “I Don’t Want To Miss A Thing.” Swabe naman ang atake ni Isay sa kantang “Tulak Ng Bibig.” Powerful naman ang performance ni Janelle gamit ang piyesang “Stand Up.”

Pero sa dulo, dalawa lamang ang nakakuha ng pwesto para sa finals. Sina Arvery at Isay ang hinirang na Top 2 nina hurado Erik Santos, Marco Sison, Ogie Alcasid, Jed Madela, at Punong Hurado Louie Ocampo. Alamin ang kanilang mga komento.

#ShowtimeWeekendVibe
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Комментарии

Информация по комментариям в разработке