PAGHAHANDA SA PANGUNGUMPISAL

Описание к видео PAGHAHANDA SA PANGUNGUMPISAL

PAGHAHANDA SA PANGUNGUMPISAL

Ang bawat Katolikong Kristiyano ay dapat mangumpisal tuwing tayo ay nakagagawa ng kasalanang mortal. Lahat ng nananampalataya ay kailangang mangumpisal ng kahit isang minsan sa isang taon. Mabuting panuntunan na magkumpisal minsan sa isang buwan.
Ang paghahanda sa pangungumpisal lalo na ng mga batang tatanggap ng komunyon sa unang pagkakataon ay isang paanyaya sa mga magulang na gawin ang responsibilidad na maging unang guro sa kanilang mga anak at alalayan sila sa pagtanggap ng iba pang sakramento matapos na sila ay mabinyagan.
PAGHAHANDA SA pangungumpisaL
Ang mahalaga sa Sakramento ng Kumpisal ay hindi ang makapagkumpisal, kundi ang isang "mabuting pangungumpisal", sa pamamagitan ng:
A. pagharap sa sakramento na taglay ang tunay na pagsisisi sa ating mga kasalanan
B. pagkukumpisal ng mga kasalanan nang buong kababaang-loob at katapatan
C. pagiging handa na pagbayaran ang mga kasalanang nagawa;
D. pagsisikap na iwasang magkasalang muli, at sa halip ay mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos
Upang maisakatuparan ang mga ito, mahalagang magkaroon ng masusing pagsusuri ng budhi o "examination of conscience." Kabilang dito ang:
A. pagsusuri ng kabigatan ng kasalanan kung ilang ulit mo itong ginawa sa isip, sa salita o sa gawa, maging ito ay pagkakamali sa ating ginawa o kabutihang dapat isinagawa subalit hindi nagawa (sin of omission)
B. pagtanggap sa katotohanan na sa pamamagitan ng ating pagkakasala, sinaktan natin ang Diyos, at nagpanumbalik sa paghihirap at pagkamatay si Hesukristo, at naging sanhi ng kasamaan ng ating kapwa at ng ating sarili.

Reference: Word and Life Publication (Pamphlet- Ang Mabuting Pangungumpisal)

Комментарии

Информация по комментариям в разработке