PAGSUSURI NG BUDHI

Описание к видео PAGSUSURI NG BUDHI

RECONCILIATION #103
Ano ang budhi?
Ito ay konsensiya o "conscience" sa Ingles. Maaari rin nating sabihin na ito ay ang kaibuturan ng ating puso. Ang konsensiya ay ang misteryosong boses ng Diyos sa ating puso, na nagsasabi sa atin na gumawa nang mabuti at umiwas sa masama. (Katesismo ng Kabataang Piliipino ph.129)
PANALANGIN BAGO MAGSAGAWA NG PAGSUSURI NG BUDHI
Halina, Espiritu Santo, sa aking puso at ako'y tulungan mo na makilala ko ang aking pagkakamali, pagsisihan ang mga ito, at ikumpisal nang buong kababaang - loob, upang tamasahin ko ang pagpapatawad ng Ama. Sa pamamagitan ng iyong liwanag, ilawan mo ang kadiliman ng aking isip; sa pamamagitan ng iyong apoy, pag-alabin mo ang puso kong nanlalamig;
sa pamamagitan ng iyong pagpapala, puspusin mo ako ng iyong pag-ibig at kapangyarihan. Makilala ko nawa ang aking mga pagkakamali at kabutihang dapat ngunit di ginawa. Tulungan mo akong magtika nang lubos sa aking mga kasalanan; Pagtibayin mo ang aking hangarin na di na magkasala mang muli, at mamuhay sa iyong pag-ibig, kapayapaan at kaligayahan. AMEN.
MGA BABASAHIN MULA SA BIBLIYA
Bago magsuri ng budhi, piliin at basahin ang isa sa mga sumusunod:
LUMANG TIPAN
Isaiah 1:16-18 Jeremiah 3: 12b-14a Ez 18:23-30. 30-32 Eccl 28:2-7
BAGONG TIPAN
Mt.5:17-19; Mt5:20-24.27-48 Mt.7:1-5; Mt.25:31-46 Lk15:1-7; Lk15:11-32 Lk.19:1-10
Jn.20:19-23; 1Cor13:1-7 Ef4:17-20.25-32.5:1-7 Ef5:1-7 ; Ef 5:8-15.19.20-21; Fil 4:8-9 Col 3:1-10; Col 3:12-17 Col3:18-21 Pah 3:20

BALANGKAS SA PAGSUSURI NG BUDHI
Maraming paraan sa pagsasagawa ng magsusuri ng budhi. Isa rito ay ang pagtingin sa ating buhay ayon sa Sampung Utos at alamin kung gaano kadalas at gaano kalubha ang di natin pagsunod sa mga ito. Isa pang paraan ay ang pagnilayan ang mga katangiang taglay ng isang tunay na Kristiyano (halimbawa: pananampalataya, pag-asa, pagmamahal ng Diyos at kapwa, tiyaga, kalinisan, katapatan atbp.) at alamin kung ito'y ating isinasabuhay o hindi.
Sa kabila ng maraming paraan ng pagsusuri ng budhi, ang pinakamahalaga ay ang pagharap natin sa Panginoon at ang pagtanong sa ating sarili nang buong katapatan kung naging kalugod-lugod tayo sa Kanya. At kung hindi, bakit? Mga panimulang tanong Kailan ako huling nangumpisal? Iyon ba ay "mabuting pangungumpisal Nagbigay ba ako ng natatanging pangako sa Panginoon sa pagkakataong iyon? Tinupad ko ba ang aking pangako? Nagkaroon ba ako ng matindi o mortal na kasalanan mula noong huli kong kumpisal?
Reference: Word and Life Publication (Pamphlet- Ang Mabuting Pangungumpisal)
Katesismo ng Kabataang Piliipino ph.129

PAKSA #1- ANG MABUTING PANGUNGUMPISAL-
   • ANG MABUTING PANGUNGUMPISAL  

PAKSA#2- PAGHAHANDA SA PAGKUKUMPISAL
   • PAGHAHANDA SA PANGUNGUMPISAL  

Комментарии

Информация по комментариям в разработке