It's Showtime May 18, 2024 | Full Episode

Описание к видео It's Showtime May 18, 2024 | Full Episode

It’s officially the weekend, madlang people! I-level up ang energy this happy Saturday kasama ang “Showtime” family!

Pabago-bago man ang panahon – umaaraw, umuulan – hindi magbabago ang pagmamahal sa inyo ng Team “Showtime”! Upang kayo’y pangitiin, si Darren Espanto na ang bahala sa inyong Sabado jamming.

Usapang Gen Z romance naman tayo for today’s “EXpecially For You!” Naaalala n’yo pa ba ang former “The Voice Kids” at “Your Face Sounds Familiar Kids” contender na si Sam Shoaf? He’s back sa Pinas! Siya ang searcher natin ngayong Sabado, pero imbes na ex-girlfriend, ang tito n’yang si Jeffrey Hidalgo ang ka-tandem n’ya sa pagkilatis sa tatlong searchees.

Siguradong relate ang Gen Zs sa mga kwento ni Sam tungkol sa love and relationships. Paano nga ba magligawan ang mga kabataan ngayon? At para kay Sam, sino ang mas mahirap mapasagot – Pinay o ibang lahi?

Ang mga estudyanteng sumalang sa “Tawalag ng Tanghalan The School Showdown” examinations, deserve ang pangmalakasang standing ovation!

Sa latest ‘prelim’ exam o weekly finals, Top 1 ang pambato ng University of Batangas na si Aaron Regala. Ang version niya ng “Tennessee Whiskey”, nakakuha ng grado na 96.7% mula kina hurado Darren Espanto, Mark Bautista, at Louie Ocampo.

Hindi rin naman binigo ng Top 2 na si Christine Rivera ang pamantasan n’ya. Siguradong proud ang Davao Oriental State University sa pagkanta n’ya ng “Dukha.”

Kabilang din sa ‘prelims’ ang pambato ng University of the Visayas na si Jay-Ar Panuncialman. Classic romantic ang kanyang atake sa pagkanta ng “Someone Who Believes in You.” Si Adrian Tambos naman ng Paref Westbridge School, pulido ang bersyon ng “Take Me Out of the Dark.”

At muling kuminang sa entablado ang talento ng Pangasinan State University student na si Shine Alejandro. Puso ang naging panlaban n’ya sa pagkanta ng “Iniibig Ka Niya.”

#ItsShowtime
#ShowtimeMayganern
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке