Rain, rain, go away! Good vibes, please stay! Madlang people, anuman ang weather, siguradong we’re always together! Dito sa “It’s Showtime,” bumabaha ng blessings and laughter!
Mas lumamig ang panahon dahil sa collab nina Janine Teñoso at Rob Deniel sa ‘Showtime’ stage. Madla ay kanilang hinarana sa awitin nilang “Distansya.” Kung naranasan mo na ang LDR, siguradong relate ka sa jamming ng dalawa.
At dahil nandito si Janine, bakit hindi tayo mag-request ng more singing? Janine, pa-sample ka naman ng kanta mong “Hulaan” na recently ay trending!
Trending ang mga nakaka-good vibes na ganap sa “It’s Showtime!” Kumpleto ang Big 4 ng ka-cute-an at aktingan – Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey – na ganap na ganap sa kanilang mga eksena sa “Showing Bulilit.” May gumanap na ‘Kokey,’ tapos nag-musical pa sa isang scene. Syempre, hindi mawawala ang heavy dramatic acting.
Bago pa man ang hulaan, the competition is real na agad. Balita namin, nagkakasulutan na ng mga tao para sa “Magpasikat 2024.” It’s the era of agawan at gulatan–but all in the name of fun!
Ang magkakapares this rainy Miyerkules: Teddy Corpuz at Cianne Dominguez, Kim Chiu at MC, Ryan Bang at Ogie Alcasid, Vice Ganda at Jackie Gonzaga, Jugs Jugueta at Lassy, at Vhong Navarro at Ion Perez.
Si Ion, mukhang gumagaling ang strategy – linaw lang ng mata ang kailangan para makapuntos sa hulaan. Inokray-okray man ang OOTD ni Jackie, pero baka ‘yun ang nagdala ng swerte, dahil, sila ni VG, sa jackpot round umabante!
Basta driver, sweet lover! Pero ‘yung iba d’yan, sa sobrang sweet, eh, kayang magmahal ng dalawang tao nang sabay! Alamin ang kwento nina Marife at Rey sa “EXpecially For You.”
Naging pasahero ni Rey si Marife. At ang byahe nila, naging road to romance! Pero makalipas ang ilang buwan, si Marife, nabasa ang isang text message sa cell phone ni Rey at may natuklasan: may babae at bata raw na dapat panagutan! Dahil aminado sa pangangaliwa, napilitan si Rey na akuin ang ipinagbubuntis ni ‘third party.’ No’ng una’y pinilit ni Marife na ayusin pa ang lahat. Pero hindi na talaga maibabalik ang tiwalang nagkalamat.
Makalipas ang ilang buwan, may bagong rebelasyon! Si Rey, napatunayan na hindi pala siya ang tunay na ama ng bata. Sa POV naman ni Marife, bagama’t hindi si Rey ang tatay, hindi pa rin mawawala sa isip niya na minsan siyang niloko ng lalaking minahal nang sobra. Kaya sa kabila ng pagsisisi ng dating nobyo, pinili niyang kalimutan na lang ito.
Ano kaya ang opinyon ni Vice Ganda at ng ‘Showtime’ family sa kwento nina Rey at Marife?
Bumaha ng talento sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Parang bagyo kung humagupit ang singing prowess ni Ivo Muerong ng Emilio Aguinaldo College na hinarana ang madla sa awiting “Pasilyo.”
Kasabay ng buhos ng ulan ang pagbuhos ng puso sa awiting “Maghintay Ka Lamang” na binigyan ng bagong bersyon ni Alvin Dahan ng St. John Paul II Davao.
Para kay hurado Bituin Escalante, mukhang masarap ka-jamming si Ivo dahil sa groove nito. Si hurado Klarisse de Guzman, nagustuhan din ang performance ni Alvin. Positibo rin ang naging komento ni Punong Hurado Ogie para sa dalawang contenders, pero mayroon siyang payo kay Alvin.
Matapos ang labanan ng dalawang tinig, scores ng mga hurado ay kay Ivo pumanig. Siya ang pasok sa ‘Prelims.’
#ShowtimeVeryFunny
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
Информация по комментариям в разработке