Nasaan Kaya Ako (Cover) | LK Marasigan

Описание к видео Nasaan Kaya Ako (Cover) | LK Marasigan

Kahit malibot mo ang buong mundo, kahit makuha mo lahat ng gusto mo at makamtan mo ang mga pangarap mo, lahat ng ‘yan- di tunay na makakapagpasaya sa’yo. Lahat ng bagay dito sa mundo ay pansamantala at nawawala ultimong buhay natin ay sandali lamang at iisa.
Santiago 4:14
“Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.”

Pero may nag iisang kasiguraduhan na kapag nakamtan mo, pang walang hanggang kasiyahan at kapayapaan ang dulot. Na kahit ano pang pandemya, kahit anong virus at sakuna ang madanas ng mundong ito, tunay na kapanatagan ang dulot sa puso at buhay mo. Walang iba kundi na kay CRISTO HESUS lamang.

Siya ang kasapatan at tunay na pag-asang hindi ka iiwan at pababayaan, bibigyan ka ng buhay na walang hanggan. Ilapit at aminin mo sa Kaniya ang lahat ng ‘yong kasalanan. Tanggapin mo Siya sa iyong puso bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas. Tanging sa pananampalataya lang sa PANGINOONG HESUS 🙏🏼❤️

Efeso 2:8-9
[8] Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
[9] Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

Sana wag mo itong ipagpaliban at mahuli pa ang lahat. God bless you, my friend🙏🏼

Nasaan Kaya Ako by Joel Navarro
In the version of Hana Ocampo
Accompaniment by: SFC Accompaniment    • Nasan Kaya Ako - SFC Piano Accompanim...  

NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED

Комментарии

Информация по комментариям в разработке