Bakit nakakasira ng buhay ang inggit. Paano ito mapagtatagumpayan.

Описание к видео Bakit nakakasira ng buhay ang inggit. Paano ito mapagtatagumpayan.

Nagtatanong ka ba minsan kung bakit hindi fair ang buhay? Bakit ang iba palaging merong bagong kotse ako yung motor ko luma na hindi ko mapalitan hindi fair ang buhay. Bakit ang iba pinanganak na mayaman at hindi problema sa kanila ang pagaaral bakit ako kailangan ko pa magtrabaho para lang makapagaral. Hindi fair ang buhay. Bakit ang iba ang tatalino kaya nakakakuha ng mas magandang trabaho ako hindi. Life is not fair. Mas meron akong talent at mas matagal na ako sa kumpanya pero bakit siya ang napromote at hindi ako. Bakit ang mga kaibigan ko nakapagasawa na lahat ako wala pa. Life is not fair. Bakit sila nakakapagbakasyon sa ibang bansa ako hindi. Bakit sila parang walang pagsubok na pinagdadaanan pero kami kaliwat kanan e parehas lang naman kaming naglilingkod sa Diyos. Bakit sila ang ganda ng bahay kami ganito lang life is not fair. Bakit kung sino pa ang mga hindi sumusunod sa Diyos sila pa ang maraming materyal na bagay. Life is not fair. Bakit sya mas mataas ang pension kaysa sa akin tapos ang mga anak nya ay tinutulungan sya ako ito hanggang ngayun ay kailangan pang magtrabaho at ang aking mga anak ay suwail.
Bakit ang iba malayang nakakapasok sa regular school tapos kami homeschool. Life is not fair. Kaibigan anong gagawin mo kapag minsan naiisip mo bakit parang hindi patas ang buhay. Alalahanin natin na ang mga ganitong pagiisip ay nangyayari din kahit na sa mga Kristyano.
Maaaring iniisip mo na wala naman ito natural lang itong mga ganitong hinaing. Marahil iniiisip mo na ok nga itong mga ganitong pagiisip kasi nakakapagmotivate para masikap sa buhay. Pero baligtad ito kasi sabi sa

Kawikaan 14:30 “Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto.”
Ang sabi dito ay ang pagkainggit ay parang kanser sa buto. Ano ba ang ibig sabihin ng inggit.
Ang inggit ay pagkagalit sa kabutihan ng Diyos sa ibang tao pero binabalewala naman ang kabutihan ng Diyos sa kanya.

O ang isa pang definition ay

Ang inggit ay pagkapoot sa biyaya ng Diyos sa iba pero binabalewala ang biyaya ng Diyos sa kanya.

O kaya sa ibang pananalita

Ang inggit ay pagsasabi na gusto ko kung anong meron ka pero ayoko ang katotohanan na nasa iyo yan.
Grabe no narealized ko na dahil ang inggit ay mas madalas hindi nakikita sa panlabas ay ang akala natin ay hindi ito big deal na kasing bigat ng mga obvious na kasalanan gaya ng pagpatay, pangrarape, pangangalunya at pagnanakaw.

Pero ang linaw ng sinabi na ang inggit ay magdudulot ng kahamakan sa atin.
Sabi sa talata ay ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto.

Kapag hinayaan mo ito ay magbubunga ito ng mas marami pang kasalanan at hahantong sa punto na hahayaan ka na ng Diyos na gawin mo ang kung anong gusto mo.

Sabi sa Mga Taga-Roma 1:28-30 MBB05

“Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam.”

Kaibigan mahal ka ng Diyos at gusto ka Niyang gabayan sa tamang landas na makakabuti sayo pero kung hindi mo talaga Siya kikilalanin at ipagpipilitan mo ang ginagawa mong masamang pagiisip gaya ng pagkainggit ay hahayaan ka ng Diyos na gawin mo ang nais mo.

Naisip ko tuloy na kaya naging mainggitin ang mga tao ay dahil ang iniisip nilang self worth ay base sa ariarian at accomplishment ng isang tao. At kapag nakita mo na ang iba ay nauunahan ka o nagkakaron ng mga bagay na gusto mo ay naiinggit ka. Kasi ang tingin mo sa sarili ay mas mababa at yung taong meron ng gusto mo ay mas mataas. Mali kaibigan kasi ang tunay na value mo ay kung ano ang nasa loob mo at hindi ang nasa labas. Kung ano ang nakikita ng Diyos at hindi ang nakikita ng tao.

Kaya ito ang paguusapan natin ngayun. Bakit nga ba nakakasira ng buhay ang inggit at paano ito mapagtatagumpayan. Tapusin mo ang mensahe na ito dahil ito ang magbibigay sayo ng kalayaan o proteksyon mula sa pagkainggit na minsan ay nakakaligtaan nating harapin at solusyunan. Ito ang magbibigay sayo ng tamang pananaw para sa mas matatag na pakikipagrelasyon.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Script: https://bit.ly/NakakasiraNgBuhayAngIn...
Life Application Guide: https://bit.ly/LAG-NakakasiraNgBuhayA...

BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero

#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF

Комментарии

Информация по комментариям в разработке