ANG MAYOR NA NAGPA NPA-FREE SA SAN FERNANDO, BUKIDNON

Описание к видео ANG MAYOR NA NAGPA NPA-FREE SA SAN FERNANDO, BUKIDNON

Si Mayor Rogelio Yeke ng San Fernando, Bukidnon ay naging malaking instrumento upang maging malaya mula sa tanikala ng NPA ang kanilang bayan. Malaki ang kanyang naging papel upang makamit ang minimithing estado ng San Fernando. Kahit pa nanguna ang kasundalohan sa pagpapalusaw ng mga prente sa nabanggit na bayan at pagpapasuko ng mga lideres ng NPA, kinikilala pa rin nila ang malaking kontribusyon ng Local Government Unit sa pangunguna ng Alkaldeng ito upang mapatupad ang mga hakbang na maglalagay sa kanilang bayan sa listahan ng mga mapayapang lugar sa bansa.

Naging hamon ngayon para kay Mayor Yeke ang pagpapanatili sa nakamtang kapayapaan, kayat ang pangako niya sa isang mabuting pamamahala ay dahan- dahan naman niyang tinutupad.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке