My Puhunan: Small time turon business, big time kita ang dala

Описание к видео My Puhunan: Small time turon business, big time kita ang dala

Bago pa man sumikat ang paborito nating turon sa mga restawran, patok na ito sa mga Pinoy bilang isa sa paboritong merienda. Saan ka man magpunta, tiyak na may nagbebenta ng turon.

Sa Katipunan Avenue sa Quezon City, nakilala ng My Puhunan si Heide Bermudez. Humigit-kumulang sampung taon na siyang nagbebenta ng turon sa kanilang lugar.

Gamit ang P2,500 na puhunan, nagsimulang magluto at maglako si Heide ng turon sa kanilang lugar na agad namang pumatok. Salamat sa kanyang negosyo, nakapagtapos na sa kolehiyo ang panganay niyang anak.

Mula sa paglalako, bultuhang gumagawa na lang ngayon si Heide ng mga turon para sa sampung tindera na humahango sa kanya. Isa sa mga ito ang kapitbahay niyang si Gina Cuarez.

Tuwing hapon, binabaybay ni Gina ang kahabaan ng Katipunan Avenue para magbenta ng turon at ng iba pang mga pagkain pang-merienda.

Solo siyang kumakayod sa pamilya dahil nasa kulungan ang kanyang asawa habang ang mga anak naman ay nasa probinsya.

“Yung kita ko pinapadala ko sa mga anak ko na nag-aaral sa Bicol at Cebu. Sarili ko rin po tapos minsan pupunta ako sa asawa ko at dinadalaw ko. Kailangan lang talaga kayod,” kuwento ni Gina.

Ang simpleng turon, huwag na huwag mamaliitin. Ito ang bumubuhay sa ilan sa ating mga kababayan gaya nina Heide at Gina. Ang maliit na negosyong ito, puwede mapalaki at maghatid sa inyo tungo sa asenso.

“Diskarte. Kasi sabi nga, masipag ka nga, wala ka namang diskarte. Wala rin, talo ka rin. Kumbaga, ‘yung diskarte mo, samahan mo ng sipag, mas aangat.”


Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of My Puhunan on TFC.TV
http://bit.ly/MYPUHUNAN-TFCTV
and on iWant for Philippine viewers, click:
http://bit.ly/MyPuhunan-iWant

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  

#MyPuhunan

Комментарии

Информация по комментариям в разработке