It’s Showtime June 20, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime June 20, 2024 | Full Episode

Masyadong busy sa tambak na workload? Stressed sa problema? Tumakas muna sa mga nega! Maki-chill muna kasama ang ‘Showtime’ family na always ready maghatid ng ngiti at tawa. Pahinga ka muna with swabeng tugtugan kasama si Teddy Corpuz hanggang sa ang pagod at stress mo ay maubos.

Ipinakilala rin ni Teddy ang bandang Campfire Collective na ka-collab n’ya sa pagbuo ng kantang “Takas.” Tara na sa "It's Showtime", let's tawa nang wagas.

Sarap sa feeling ‘pag kasama ang “Showtime” fam sa guess-sing! Nagkaligaw-ligaw man ang hulaan sa umpisa, mga tamang sagot naman ay natumbok dahil sa teamwork. Forte talaga ni Darren Espanto ang Gen-Z hits, pero hindi siya umubra sa pagka-competitive nina Karylle at Lassy na napapadalas na ang paglalaro sa jackpot round. Sina Imogen, Kulot, Enicka at Jaze naman ang bahala sa lyrics at nag-uumapaw na ka-cute-an.

Kanta tayo: Nalasing isang gabi, nahuli ni gf na may ibang katabi!

Si ‘searcher’ Pau at ‘ex’ n’yang si Ivan, sa online class nagkakilala pero face to face ang naging ligawan. Noon pa man, ramdam na ni Pau na parang option lang s’ya ng nobyo, na kahit Valentine’s Day, hindi siya ang priority nito. Nang minsan, excited daw si Ivan na sumama sa inuman ng tropa, na okay lang naman sana kung hindi present si girl na dating niligawan niya.

Si Pau, parang kinutuban. Months later, meron siyang nalaman! Isang litrato ang palihim na ipinadala sa kanya–si Ivan at si ‘girl,’ magkatabi at magkayakap sa kama!

Ang “EXpecially For You,” nagmistulang hearing sa senado, at sina Vice Ganda at Jhong Hilario ang mga abogado. Your honor, magpapaliwanag si Ivan. At magso-sorry na rin siya sa dating kasintahan.

Mga pangarap ay susungkitin ng mga estudyanteng magaling sa singing. Tunghayan ang naging sagupaan ng mga boses na palaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Forda go sa entablado ang future pulis ng Sto. Tomas National High School na si Vicente Panergo. Pag-awit niya ng “Kahit Ako’y Lupa,” hinangaan ng mga hurado. Aliw din sina Vice Ganda sa naging kwentuhan nila kasama si Vicente, na hinikayat nilang mas maniwala pa sa sarili.

OPM din ang piyesa ni Isaac Zamudio ng Far Eastern University. “Oks Lang,” sabi sa kanyang kanta. Performance din niya ay sobrang oks, kaya ang ‘Showtime’ hosts, mas tumaas pa ang energy. Kaya naman ang madlang people at mga hurado, tawang-tawa at sobrang happy!

Sa huli, si Isaac ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Jolina Magdangal, at Ogie Alcasid.

#ItsShowtime
#ShowtimeGowLang
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке