Isang Ganap na Adamsonian (2023)

Описание к видео Isang Ganap na Adamsonian (2023)

Isang Ganap na Adamsonian
Music and Lyrics by: Mr. Erick Sta. Maria

Katulad ko’y isang umaga
Na laging may pag-asa
Hinubog ng tadhana
Sa paaralang sinta
Likas sa pagkatao
Ang pagtulong sa iba
Yaman ko’y aking karunungan
Si San Vicente ang naging gabay
Mga guro’t kaibigan
Nand’un laging sandigan
Salamat sa isang
magandang kinabukasan

Ako'y isang ganap na Adamsonian
Sa puso sa gawa at sa isipan
Pasasalamat at pagpupugay
sa pamantasan kong mahal alay
At muling magbabalik
sa aking pinagmulan
Tagumpay ang hatid
ng isang ganap na Adamsonian.

Sa kapwa ko’y laging mapagmahal
Hindi lumilimot sa Maykapal
Nagsisilbing tapat
Sa bayang sinilangan
Taas noo sa buong mundo’y ipagsisigawan

Ako'y isang ganap na Adamsonian
Sa puso sa gawa at sa isipan
Pasasalamat at pagpupugay
sa pamantasan kong mahal alay
At muling magbabalik
sa aking pinagmulan
Tagumpay ang hatid
ng isang ganap na Adamsonian.

Patuloy na lilipad
Ang isang Adamsonian,
Magiging matatag sa hamon ng buhay.

Ako'y isang ganap na Adamsonian
Sa puso sa gawa at sa isipan
Pasasalamat at pagpupugay
sa pamantasan kong mahal alay
At muling magbabalik
sa aking pinagmulan
Tagumpay ang hatid
Hindi padadaig
Laging mananaig
Ang isang ganap na Adamsonian.

#ganapnadamsonian
#adamsonuniversity
#getAdUcated

Комментарии

Информация по комментариям в разработке