It’s Showtime July 17, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime July 17, 2024 | Full Episode

Ano’ng mga bagay sa paligid ang gusto mong palaging naririnig? Una sa listahan namin ang boses ni Seth Fedelin – dahil ang kanyang tinig, naghahatid ng nag-uumapaw na kilig! Kung si Seth ang tatanungin, kaninong boses kaya ang pipiliin niyang marinig araw-araw?

Heto pa ang isa naming paborito – si Barbie Forteza na sa paghahatid ng good vibes ay walang preno. Kasama siya for today’s video para makipagkulitan at tawanan sa inyo.

Paborito rin namin ‘yung mga cute na chikiting sa “Karaokids.” Si Barbie, naki-guess-sing bilang ka-tandem ni Vice Ganda. ‘Pag dalawang ‘barbie’ ang nagsama, talagang swerte ay aarangkada. Mukhang si Barbie nga ang lucky charm ni Meme Vice. Kaya performance nila hanggang jackpot round ay super nice!

Nagkakilala sa inuman, umuwing magkasintahan. Mabilis man ang naging ‘ligawan’ nina Lyka at Briane, pero tumagal naman ng anim na taon ang kanilang relasyon. Samahan silang balikan ang kanilang kwento sa “EXpecially For You.”

Nang gabing sila’y magkakilala, niyaya ni Lyka si Briane na sa bahay na lang nila magpahinga. At wala pang isang buwan, nag-live in na sila. Seventeen years old lamang noon si Lyka. Naging mahirap man ang pagsasama dahil mga bata pa at wala pang sapat na kakayahan para sustentuhan ang relasyon nila, naging masaya naman ang dalawa.

Hanggang sa biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Si Briane ay naging mainitin ang ulo, dahilan para si Lyka ay sumuko. Isang hapon na lumabas si Briane para kumain ng lugaw, pag-uwi niya, wala na si Lyka. At makalipas lamang ng isang linggo, si Lyka ay nakatagpo na ng bagong nobyo.

Sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” kumasa sa hamon ng entablado ang mga pambato ng dalawang pamantasan.

Unang nagpakita ng galing sa singing si Eleana Gabunada ng Colegio San Agustin-Makati. Handa na siyang abutin ang mga pangarap sa pag-awit ng “This Is My Now.”

Sumabak din sa entablado ang estudyante ng Lawang Bato National High School na si Miles Alonzo. Bukod sa pagkanta ng “I’ll Never Love This Way Again,” na-entertain ni Miles ang madlang people sa pa-sample ng mga kanta sa iba’t-ibang lenggwahe.

Pati sina Vice at Lassy, kinanta ang version nila ng “Ni Yao De Ai.” Nang si Barbie ang nag-sample, gong ay na-trigger.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке