It’s Showtime August 8, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 8, 2024 | Full Episode

Ikaw ba ay na-friendzone o mayroong one-sided love para kay crush, pero patuloy mo pa rin siyang hinahanap at pinapangarap? Well, para sa’yo ang awiting “KNT” o “Kanta Ng Tanga Sa Pag-ibig” ng fast-rising Pinoy Pop group VXON, na kanilang pinerform sa It’s Showtime ngayong Huwebes, August 8.

Pinaghalong kaba at excitement naman ang naramdaman ng It’s Showtime hosts sa “Bata Bata Pick” segment, lalo na ng tatlong pares na nabunot upang maging “player” at “alay” sa bawat round.

Sa bandang huli, nakuha ng It’s Showtime fam ang P30,000 na jackpot prize na pinaghati-hatian ng anim na madlang studio audience.

For sure, marami ang naka-relate at nabagbag ang damdamin sa naging kuwento ng pag-ibig ng dating magkasintahan na sina Novie at Ivan na tampok sa episode ng “Expecially For You” ngayong Huwebes, Agosto 8.

Parehong tubong Cavite, nagsimula ang kanilang bilang members ng choral group ng Adamson University during their college days. Aminado si Novie na siya ang unang nagkagusto kay Ivan dahil siya ay “cutie pie” at certified “campus crush” noon, hanggang sa tinukso-tukso na sila ng kanilang choirmates sa isa’t isa.

Hindi naglaon ay naging malalim ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa isang romantic relationship. Subalit, hindi rin nagtagal ang unang yugto ng kanilang relasyon sapagkat matapos lamang ang isang buwan ay nakipag-break na si Ivan dahil sa dami ng kanilang petty fights.

Aminado naman si Ivan na hindi naging malalim ang pagmamahal niya kay Novie nang mga panahong iyon, samantalang si Novie naman ay nakaramdam na baka pinagtri-tripan lang siya ni Ivan at nabubuhay lang siya sa breadcrumbs o tira-tirang atensyon ng kasintahan. Kaya naman hindi na siya nag-effort na i-win back pa si Ivan.

Subalit hindi pa roon natapos ang kanilang lovestory dahil nagkaroon ito ng “Part 2” nang magkabalikan sila after five months. Na-realize ni Ivan na gusto pa rin niya si Novie nang magsama sila sa isang out-of-town school tour, kaya sinuyo niya si Novie at ginawa ang lahat para maging mas mabuti at karapat-dapat na boyfriend sa kanya.

Nauwi rin sa hiwalayan ang “come back” nila na iyon matapos na muling makipagkalas si Ivan on a New Year’s Eve dahil na-realize at kinilala na niya finally ang kanyang tunay na pagkatao, na siya ay isang gay o bakla.

Bagaman matagal nang alam ni Novie ang tungkol dito, pinili niyang pumayag sa pakiusap ni Ivan na huwag muna siyang iwan. Ayon kay Ivan, kailangan niya noon ng makakapitan at makakaramay sa madilim na bahagi ng kanyang buhay, at tanging si Novie lamang ang alam niyang makakaintindi sa kanya.

Ipinagtapat ni Ivan na ginamit lang niya si Novie at ang nauna pa niyang girlfriend noong high school upang maitago ang kanyang tunay na kasarian at protektahan ang kanyang sarili mula sa panghuhusga ng kanyang religious at dysfunctional na pamilya at ng mga tao sa paligid niya. Kaya naman maraming beses siyang nag-sorry kay Novie noon at hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang sarili na nilalamon ng guilt dahil sa ninakaw niyang masasayang sandali at unforgettable experiences sana mula kay Novie bilang first boyfriend niya.


Pinuri ng hosts si Ivan sa katapangan na kanyang ipinamalas, lalo na si Vice na nagpahayag ng kanyang admiration dahil sa pagpapalaya niya sa kanyang sarili at pag-ako at paghingi ng tawad sa mga kamaliang kanyang ginawa. Nag-sorry din ang Unkabogable Star sa lahat ng kababaihan na nadamay sa ginawa ng mga baklang kagaya niya na pagtatago ng kanilang tunay na kasarian at pinasalamatan sila sa pag-intindi at pagtanggap.

Dahil okay naman na sila ngayon sa isa’t isa at in a happy relationship na rin si Ivan, tinulungan niya si Novie sa paghahanap ng kanyang posibleng susunod na pag-ibig.

Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng tatlong searchers na ipinakilala sa kanila dahil lahat sila ay nabigyan ni Novie ng green flags. Kaya naman nagkaroon pa ng clincher round, kung saan nanaig si Clark Bautista, ang 26-year-old future seaman ng Lubao, Pampanga.

Nagtapos ang segment sa mapusong tagpo sa pagitan ng dating magkasintahan, kung saan sinabi ni Novie na habambuhay nang magkakaroon ng special spot sa puso niya si Ivan.

Narinig naman natin sa unang pagkakataon ang pagtunog ng gong matapos ang mahabang taon sa Tawag ng Tanghalan: The School Showdown nang bigong ma-impress ni Macoy Rivera, 1st year nursing student mula sa University of Perpetual Help System Isabela Campus, ang mga hurado sa kanyang rendisyon ng “Di Lang Ikaw” ni Juris.

Muntik na ring ma-gong ang kanyang katunggali na si Paulene Gwenn Ignacio, Grade 11 HUMSS student mula sa College for Research and Technology matapos na mabilangan ng dalawa ni Maestro Louie ang kanyang performance ng “Dancing On My Own” ni Calum Scott. Kaya naman pinayuhan siya ni hurado Bituin Escalante na maging mas maingat sa pagpili ng piyesang kanyang gagamitin.

Dahil sa nangyari, automatic nang pasok sa preliminary round si Paulene.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке