COMELEC chairman Garcia, pinabulaanan ang paratang na may offshore accounts siya

Описание к видео COMELEC chairman Garcia, pinabulaanan ang paratang na may offshore accounts siya

Sa pagsisiyasat ni Commission on Elections #COMELEC chairman George Garcia sa kung sino ang nasa likod ng mga paratang ng pagkakaroon niya umano ng offshore accounts, lumalabas na may kaugnayan ito sa Smartmatic na dating election provider ng bansa.

Ayon kay Garcia, ni-research nila ang pagkakakilanlan at address ng nagpadala ng pera sa sinasabing offshore account. Lumabas umano sa kanilang imbestigasyon na kapareho nito ang address ng Smartmatic.

"Sana po masagot 'tong katanungan kong ito. Wala po akong ibinibintang. Bakit ang address ng company na sinasabi ko ay parehas sa address ng company na dati nating provider? Parehas na parehas po," ayon kay Garcia. #News5 I via Mon Gualvez

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph

Комментарии

Информация по комментариям в разработке