My Puhunan: Dating batang Tondo, umasenso sa negosyo

Описание к видео My Puhunan: Dating batang Tondo, umasenso sa negosyo

Tubong Tondo, Maynila si Renato “Gatchi” Gatchalian. Bata pa lang, namulat na siya sa pagnenegosyo. Pagtitinda sa Divisoria ang pinagkakakitaan noon ng kanyang mga magulang. Dahil sa kasipagan ng mga magulang, nakuha ni Gatchi ang inspirasyon para magsumikap sa buhay.

Masayang binalikan ni Gatchi ang kanyang nakaraan sa kuwentuhan nila ni Karen Davila para sa programang 'My Puhunan'. “Natuto ako dahil ‘yung parents ko, una, masipag, maparaan. Hindi ako nawalan ng pag-asa kasi nakita ko na umangat kami eh. So, naging inspirasyon ko ‘yun. Hindi ako titigil sa pangarap ko, magsisipag ako dahil alam kong puwede pang makabawi.”

Nakapagtapos ng kolehiyo si Gatchi. Iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasok. Mula sa isang fast food restaurant, mapalad siyang naging empleyado ng isang multinational na kumpanya ng ilang taon.

Nang makaipon, naisipan niyang magtayo ng sariling negosyo. Hangga’t may ideyang naiisip, lakas-loob na pinapasok ito ni Gatchi para gawing negosyo. Dumating ang panahon at napadpad siya sa Davao City at naisipang magtayo ng restawran na may kakaibang konsepto.

Tampok sa kanyang restawran na 'Saging Repablik' ang mga sikat na Pinoy ulam at panghimagas na lahat ay may sahog o toppings na saging.

Highlight ng kanyang kainan ang mga pinasosyal na banana cue at pinalevel-up na turon. Dahil dito, binabalik-balikan ito ng mga turista at sikat na mga personalidad.

Para kay Gatchi, ang susi ng kanyang pag-asenso sa kanyang negosyo ay ang innovation o paghahain ng mga bago at kakaibang putahe sa mga customers. “You go out of the box. In a business, kailangan, sa dami ng nagbebenta ng banana cue, bakit ikaw ang pipiliin niya?”


Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of My Puhunan on TFC.TV
http://bit.ly/MYPUHUNAN-TFCTV
and on iWant for Philippine viewers, click:
http://bit.ly/MyPuhunan-iWant

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook:   / abscbnnews  
Twitter:   / abscbnnews  

#MyPuhunan

Комментарии

Информация по комментариям в разработке