It’s Showtime July 3, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime July 3, 2024 | Full Episode

Hulyo-yo-yo-yo! Kalahating taon na ang lumipas, pero meron pa namang oras para ma-achive ang mga goals this 2024. Dito sa ‘Showtime,’ achieve na achieve rin ang good vibes at tawa, na may bonus pang harana. Kasama natin ang singer-songwriter na si Mark Carpio para sa isang kilig kantahan.

Samahan na ang cutest ‘singerists’ sa Karaokids! Present sina Imogen, Enicka, Jaze, at Briseis. Pagdating naman sa hulaan, ang magkakapares: Ryan Bang at Ogie Alcasid, Vhong Navarro at Jackie Gonzaga, Kim Chiu at Cianne Dominguez, Teddy Corpuz at Jhong Hilario. Si Darren Espanto, ka-tandem ang guest player na si Klarisse de Guzman.

Si Ogie, hindi pa man nagsisimula ang laban, suko na agad dahil lang ka-tandem niya si Ryan Bang. Masyadong ginalingan ng Teddy-Jhong. At para hindi sayang ang guesting ni Klarisse, siya na ang pinaglaro ni Jhong kapalit niya sa jackpot round.

Maagang na-in love sina Joel at Jen sa isa’t-isa. At tulad ng ibang young relationships, pag-ibig nila’y so innocent and sweet. Mga simpleng bagay lang ang nagpapasaya sa kanila noon, tulad ng simpleng dates with an overlooking view sa Antipolo. At nang mag-debut si Jen, walang iba kundi si Joel ang naging escort at last dance niya.

Minsan ay may tampuhan at ‘di pagkakaunawaan. Si Jen, may trust issues sa tropa ng dating nobyo. Pero ang naging dulo ng lahat ay ang pagpupumilit ni Jen na um-attend sa debut party ng isang kaibigan. Sinadya pa niyang mag-away sila ni Joel para lang ma-push ang party na gusto niyang puntahan.

Ang tamis ay naubos dahil may ‘di magandang nangyari sa nasabing debut at nahagip ito sa isang video. Alamin ang buong kwento sa “EXpecially For You.”

Golden tinig, ready nang iparinig ng dalawang estudyanteng kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagpalipad ng husay si Janna Cabauatan ng University of Perpetual Help System-DALTA. “Killing Me Softly” ang kanyang kinanta.

Mala-prinsesang boses ang panlaban ni Princess Martin na pinangiti ang mga mga hurado at madlang people sa kanyang galing. “Maybe This Time” ang napiling piyesa ng pambato ng Cabilaoan Agro-Industrial High School.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке