WALA KANG KATULAD || Christian Rap song by: Christopher Corales

Описание к видео WALA KANG KATULAD || Christian Rap song by: Christopher Corales

Wala kang katulad
Christian Rap By Christopher Corales
verse
I
Kamusta po aking Ama nais ko lang naman sumulat
Liham na ang laman ay papurit pasasalamat
Sana'y makarating tulang ito'y maging silbing
Isang regalo sa iyo O Diyos Nawa ay tanggapin

Ang una sa lahat, papuri ko sa Iyo Ama
Pagkat Ika'y Diyos na daki' Lahat sayo ay nagmula
Ikaw ang nag disenyo at Ikaw ang gumawa
Lahat ng nakikita ko oh Diyos Ikaw ang lumikha

II
Kalangitan kabundukan, karagatan at kapatagan
Halaman at mga hayop, at lahat ng kalikasan
Sa dakilang paglikha sa mundong ikaw ang may akda
Ako'y namamangha purihin ang iyong gawa

Ang Buhay kong taglay Gabay ika'y nagiisang patnubay
Lakas at aking pagasa na ikaw ang nagbigay
Sa panahon ng tag dilim Pagahon ko ay taimtim
Baon ang mga salitang sa puso ko'y naitanim


III
Tunay ngang lahat ay sa Iyo nga nagmula
Walang dapat pagmalaki, ang taong tulad kong dukha
Kalakasan at talino, mapalad kahit kanino
Ako'y napatanong karapatdapat ba ko dito

Sa kabila ng kasalanan at lahat ng kamalian
Sa mga mali kong desisyon pinagbigyan hilig ng kabataan
ging palalo't masama maling takbuhin ginawa
Nakalimutan salita tinuro Mo ay nawala

IV
Nabihag sa kamunduhan at ako'y naging gahaman
Nalinlang sa dalang kinang at sa  madayang kayamanan
Walang ibang inintindi, makatapak man ng katabi
Sa nangyayari sa mundo wala na rin akong paki

Bulag sa kayaman, at maging sa kapangyarihan
Ako'y naging mayabang at problema ng lipunan
Lahat ng bisyo'y ginawa at ako'y tuwang tuwa
dinamay ko pati ang kapwa sa gapos ng tanikala

V
Ngunit lahat ay nagiba ng ikaw ay makilala
Buhay kong gibagiba ngayon puno ng pagpapala
Sa kabila ng pagkakamali tinuring mong anak
Ako'y Niyakap Niligtas at ayaw mo na mapahamak

Walang hanggang salamat
Ang laman ng aking sulat
Ika'Y nagiisa o Diyos ni wala Ka ring katulad
Hindi kayang higitan kadakilaang Mong taglay
Ikaw ang Diyos noon, ngayon papuri ko'y ibibigay


VI
Nagkanda ubos na panulat kong gamit natangos na
Kasusulat ng tula mula ng ako'y mamulat na
Ikaw pala Nagiisang Diyos walang katulad
Panukat sa mundo hinding hindi kayang masukat

Isang dangkal sukat ng papel mataas pa sa tore ni babel
Mga awiting aking sinulat para sayo bitin pa din
Upang aking maihayag ang kabutihan Mo sa akin
Inawit ko ng lahat bakit ganun kulang pa din


Follow us on
Twitter
https://twitter.com/IAAWorship_07?s=09

Facebook
  / community  

Intragram
https://www.instagram.com/p/CIm1lV1nz...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке