IKAW ANG YAMAN KO || Christian Rap Tagalog by; Christopher Corales

Описание к видео IKAW ANG YAMAN KO || Christian Rap Tagalog by; Christopher Corales

Ikaw ang yaman Ko

by Ptr Joey Crisostomo
Rap by: Christopher Corales

Makamit ko man lahat ng yaman ng mundo
Maabot ko man pangarap at mithi ng puso ko
Kung ako'y manlalamig sa'yo at malalayo ng husto ay bigo pa rin ay hungkag pa din ang puso ko
I
Sa maka bagong mundo ako'y laging  nakikiuso,
Ang lahat ay gagawin magkaron lamang ng bago,
Mamahaling damit, gamit marami pang iba,
Hahamakin ang lahat malampasan ko lang sila

II
Yaman at katanyagan sa isip ko'y laging laman
Walang ibang bukang bibig kundi "Ang Gusto kong yumaman"
Ang lahat angkinin kahit hindi naman sa akin
Maabot lang ang pangarap ang lahat ay gagawin

III
Sa aking mga mata, salapi lang ang mahalaga
Kalilimutan ang lahat, basta't ako ay liligaya
Ginto't pilak meron ka dapat meron din ako
Kung ano ang meron ka mas higit dapat ako

IV
Sa Tuktok ng tagumpay akin ng abot kamay
Palakpak ng mga tao at pakikipagkamay
Parang lahat ay kay sarap at ang lahat ay kay dali
Subalit parang may kulang Saan ako nagkamali

V
Kinain ng tagumpay ang buo kong pagkatao
Nilamon at winasak nalulong pati sa bisyo
Yaman at katanyagan, panandalian lang pala
Pag narating mo ang taas mapapahamak lang pala

VI
Sa aking puso'y may puwang bagamat naabot ko ang tagumpay,
Ako'y nagtatanong habang ako"y naghihintay
Puwang sa aking puso sino kayang magpupuno
Sino kayang magbibigay sino kayang maglalagay

VII
Bigla kong naalala ang tumawag sa Ama
Kahit ako'y hiyang hiya dahil sa lahat ng ginawa
Ako ay dumulog at ako ay nagsumamo
Tunay na kaligayahan paano po matatamo

VIII
Salamat sa Iyo o aking Panginoon
Ako ay nilingon dalangin ko ay tinugon
Yaman na hinahangad at pagasang sasapat,
Kailanma'y di pinagkait lahat s'akin pinagtapat

IX
Higit sa yaman ng mundo ang regalo Mong ito
Higit sa kahit anong kinang higit sa luho ng mundo
Sa Kanya ko natagpuan ang tunay na kaligayahan
Hesukristo ang pangalan Ikaw ang tanging Yaman

Ikaw ang yamang hinahangad
kaw ang pangarap kong sasapat
Panginoon, Panginoong Hesus
Ikaw ang yamang hinahangad
kaw ang pangarap kong sasapat
Panginoon, Panginoong Hesus
Higit sa yaman ng mundo
Higit sa luho at kinang nito
Ikaw ang nais ko
Ikaw ang yaman ko
Ang tanging Yaman Ko
Panginoon

videocam use click here👇👇👇
https://amzn.to/3j2zq7D

audio interface 👇👇👇
https://amzn.to/2Yyx5bc

Комментарии

Информация по комментариям в разработке