It’s Showtime August 30, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 30, 2024 | Full Episode

Whene- practice lang! Stretching muna tayo dahil kumakaway na ang pagsisimula ng ber months! Pero i-enjoy muna natin ang mga huling sandali ng Agosto. Habang pwede pang gamitin kay crush ‘yung banat na, “Agosto kita,” aba, gawin mo na, brad. Bago pa mahuli ang lahat!

Spread good vibes din by sharing your blessings, tulad ni Jackie Gonzaga na may sorpresa sa madla. Nood at makihula na rin sa akting ng mga batang trending – Argus, Kulot, Jaze, Kelsey at Imogen.

Competitive mode on naman ang lahat sa “Showing Buliit,” lalo na si Bela Padilla na gustong makapaglaro sa jackpot round ulit. Nag-work naman ang tandem nila ni Cianne Dominguez, thanks to their team spirit.

Kinapos man nang kaunti pero game face on naman ang ibang pares: Vhong Navarro at AC Soriano, Ogie Alcasid at Jackie Gonzaga, Teddy Corpuz at Wize Estabillo, Kim Chiu at Jugs Jugueta, Karylle at Ryan Bang.

Gaano nga ba kahirap at kasakit ang pagiging solo parent? Dahil sa mga relasyon na ‘di nagtatagal, at pagiging martir para sa mga taong minamahal, pakiramdam ni Sharmaine ay laging may mali at kulang sa kanya. Himayin natin ang kanyang kwento sa “EXpecially For You.”

Ang ‘forever,’ hindi ‘yan sigurado. Binigay na ni Sharmaine ang lahat pero mga relasyon nya ay inalat, nagsimula sa mga ama ng kanyang dalawang anak. Sumugal ulit si Sharmaine, hoping na manalo na sa kanyang foreigner boyfriend. Pero olats pa rin, dahil naging issue ang koneksyon niya sa dalawang ‘baby daddies’ niya. Muli siyang naipit sa sitwasyon. At sa pangatlong pagkakataon, natanong niya ang sarili, “ano’ng mali sa akin?”

Minsan, ang pagmamahal nang sobra ay nakakalunod na. Sabi nga ni Vice Ganda, mabuti man ang intensyon, pero may pagkakataon na sarili naman ang dapat piliin.

Moving forward, excited na si Sharmaine na kumilatis ng searchees with the help of her sister, Danica.

It’s ‘prelims’ day sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Mga estudyanteng mahuhusay sa singing nagbabalik upang golden mikropono ay sungkitin.

Attendance check! Present si Martin Lacdao ng STI College-Lipa para haranahin ang madla. “Somewhere Only We Know,” huni niya sa entablado. Humanga nang husto si hurado Ogie Alcasid kay Martin, na tinawag niyang ‘paborito.’

Nag-take rin ng ‘prelim’ examination si Ivo Muerong. Pambato ng Emilio Aguinaldo College, abot-langit ang husay sa pagkanta ng “Corner of the Sky.” Flexibility ang panlaban ni Ivo, ayon kay hurado Bituin Escalante.

“Close to perfect” naman kung ilarawan ni Punong Hurado Louie Ocampo ang performance ni Marian College Inc. student Rhea Jane Recosalem ng “Unchained Melody.”

Matapos ang bakbakan sa tanghalan, si Martin ang hinirang na Top 1 at aabante sa Midterms.


#ShowtimeFriendship
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Комментарии

Информация по комментариям в разработке