AYAW NG BILYONARYO SA BAYAD NA KALABAW, GUSTO AY IKASAL SILA NG DALAGA love story Tagalog

Описание к видео AYAW NG BILYONARYO SA BAYAD NA KALABAW, GUSTO AY IKASAL SILA NG DALAGA love story Tagalog

Atty. Bernard Buenavista | Kwentong pag ibig full story | FULL STORY AYAW NG BILYONARYO SA BAYAD NA KALABAW, GUSTO AY IKASAL SILA NG DALAGA | love story Tagalog | Kilig stories | PINOY STORY
BUENAVISTA LEGACY SERIES
Series 1 (The Billionaire Triplets and their Virgin Mommy) -    • NATULALA ANG DOKTORA SA BINATA NIYANG...  
Series 2 (The Actor Meets His First Love Doctor) -    • DOKTORA, BUMILIS ANG TIBOK NG PUSO SA...  
Series 3 (The Billionaire Lawyer is my Husband) -    • AYAW NG BILYONARYO SA BAYAD NA KALABA...  

BUENAVISTA SERIES
Series 1 (MY FIRST LOVE TURNED MY CONTRACT HUSBAND) -    • BABAE, NAGULAT NANG MAKITANG EX-BF NI...  
Series 2 (THE BILLIONAIRE LAWYER IS MY FAKE BOYFRIEND) -    • BABAE, NAPILITANG KUNING FAKE BOYFRIE...  
Series 3 (THE DOCTOR'S PREGNANT VIRGIN WIFE) -    • BABAE, INALOK SI DOC NA ANAKAN SIYA. ...  
Series 4 (HIS FIRST LOVE TURNED HIS SECRETARY) -    • KAYSA MAGBAYAD NG 10 MILLION, NAGTRAB...  

Written by: Clefairy
Narrated by: Sasa
Edited by: Amihan

PREVIEW:
Napahinto ang dalaga nang bumukas ang driver's seat at lumabas ang isang matangkad na lalaki. Napaawang ang mga labi ni Nikka nang mapadako ang tingin niya sa mukha ng kaharap. Malalim ang mga mata nito, makapal ang magkasalubong na kilay, matangos ang ilong, mapula ang may korteng mga labi... Lalo pang nakadagdag sa appeal nito ang clean-cut nitong buhok at ang itim na amerikana nitong suot.

'Tumigil ka, Nikka. Hindi dahil guwapo ay matutulala ka na sa lalaking iyan' saway ng dalaga sa sarili.

Tumikhim ang dalaga at sinalubong ng tingin ang lalaki na nasa harap na niya. "Sa susunod mag-ingat ka sa pagmamaneho mo. Aba, muntik mo na akong mahagip, Mister!" may diing pangaral ni Nikka sa lalaki.

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaking kaharap ni Nikka sa sinabi ng dalaga. "Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sayo, Miss? Na ikaw ang mag-ingat sa paglalakad? The sidewalk is on the other side of road," wika nito bago itinuro ang kabilang bahagi ng kalsada.

Natigilan si Nikka nang mapagtanto na tama ang sinabi ng lalaki. Isa lang ang sidewalk sa naturang kalsada at nasa kabilang bahagi iyon.

Sa labis na antok niya ay hindi niya namalayan na nagkamali siya ng bahagi ng kalsada na nilakaran. Kaunti na lang din kasi ang mga dumaraang sasakyan nang mga oras na iyon.

"Na-realize mo na bang ikaw ang mali, Miss?" nakahalukipkip at tila naghahamong tanong ng lalaki kay Nikka. Akmang aatras si Nikka palayo sa lalaki nang mahagip ng matalas na pang-amoy niya ang beer mula rito. Nakahalo iyon sa mamahaling pabangong naamoy niya sa kaharap.

"Oo, may mali ako pero ikaw ang mapaparusahan sa ating dalawa kapag nag-report ako sa awtoridad dahil ipinagbabawal ang pagmamaneho ng lasing!" buong tapang na sagot ni Nikka sa lalaki.

"What?" magkasalubong ang mga kilay na gagad ng kaharap.

"Don't tell me hindi mo alam na ipinagbabawal magmaneho ng nakainom, mister?" nakaangat ang isang kilay na wika ni Nikka sa lalaki. "Well, let me recite to you the Philippine Republic Act. No.10586 Section 5: It shall be unlawful for any person to drive a motor vehicle while under the influence of alcohol, dangerous drugs and/or other similar substances. At sa kaso mo, Mister, halatang nasa impluwensya ka ng alak dahil amoy beer ka!" aniya sa kaharap. Buti na lang talaga at nakahanap siya ng ilulusot sa pagkakamali niya kanina.

_____________________
Thanks to Keys of Moon Music | One Love by Serjo De Lua -   / keysofmoon  
His beautiful music is created under CC License

Комментарии

Информация по комментариям в разработке