It’s Showtime July 19, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime July 19, 2024 | Full Episode

Friday na! Yay! Para katapusan ng work week ay mas maging okay, maki-party muna with the ‘Showtime’ family. Ang party buddy natin for today, si Kapamilya heartthrob Rob Blackburn na may bagong nakakakilig na single.

Mga kantang hit na hit, ipapahula ng mga cute ng bulilit sa “Karaokids.” To the highest level ang energy nina Enicka, Imogen, Jaze at Kelsey na may pa-sample pa ng isang kanta mula sa BINI.

Amazing ka ‘pag nahulaan mo ang kanta kahit lyrics ay malabo. Pero kung nakasagot ka kahit dance steps lang ni Kelsey ang basehan, aba, ibang level na ‘yan!

Si Andrei ang naging lakas ni April sa panahon ng kahinaan, at kaligayahan sa oras ng kalungkutan. Pero bakit pagmamahalan nila ay nagtapos sa hiwalayan? Dito sa “EXpecially For You,” kwento nila ay tunghayan.

Attraction at first sight ang naramdaman ni Andrei kay April. Love at the right time ang kwento nila kung babalikan, dahil si Andrei, dumating kung kailan kailangan ni April ng taong masasandalan.

Pero dahil sa sund-sunod na problema, pagiging working student mula nang mawalan ng ama, at sa hirap na dinaranas dahil sa sakit ng ina, naguluhan ang isip at puso ni April. Dagdag pa sa bumugbog sa pagkatao niya ang mga insecurities dulot ng kanyang kondisyon na alopecia.

Buong-buo ang pagtanggap ni Andrei kay April. Nang malaman niya ang kondisyon ni April, binigay nya ang mga bagay na magpapalakas sa self-confidence ng nobya. But things take time. At ngayo’y mahal na lamang nila ang isa’t-isa bilang magkaibigan.

Bago ang ‘prelims’ bukas, dalawang estudyante ang susubok na humabol sa lineup. Dito sa “Tawag Ng Tanghalan,” ang pamantayan ay boses na pangmalakasan. Laban ay sinimulan ni Aaliyah Geling ng St. Thomas Academy. Mamahalin mo ang kanyang pag-awit ng “Mahal Kong Pilipinas.” Dahil sa piyesa ni Aaliyah, napa-reflect ang ‘Showtime’ family sa mga bagay na kamahal-mahal sa Pilipinas.

Present din si Jelane Rodillas ng Immaculate Conception I-College of Arts and Technology na umawit ng “Ngayon at Kailanman.” Kung magta-travel solo, pangarap ni Jelane na makarating ng Canada dahil sa idol niyang si Darren Espanto. At para mapangiti si Jelane, OMG, tumawag si Darren!

Alamin ang komento nina Nonoy Zuniga, Marco Sison, at Dingdong Avanzado at kung sino ang nakakuha ng mas mataas na grado.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке