PUSONG DALISAY Christian Rap Tagalog

Описание к видео PUSONG DALISAY Christian Rap Tagalog

Pusong Dalisay Christian Rap
Pure Heart Tagalog Version by Cityharvest
Mga Awit 51:10
Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Lyrics:
Pusong dalisay parang kulay ng bukang liwayway
Dalangin ko Panginoon sa Puso ko ay ibigay
Ibibigay ang aking buhay, puso ko ay iaalay
Suriin,linisin, pumasok at maging gabay

Pusong tapat, aking Ama ito ang hihilingin
Idaloy mo sa buhay ko ito'y aking dalangin
Tunay at masunurin,Dalisay na damdamin
Baguhin mo ang puso hilig ay maling gawain

Itim na kulay s'aking buhay kala ko'y masaya
Mula pa ng pagkabata ay ginagawa ko na
Pambababae at alak, sigarilyo ang hanap
Nagbibigay sa aking puso ng sandaling  saya

Panandalian, ito ang bigay ng mundo
Kaya naman ang buhay ko ngayon ay naghihingalo
Gulong gulo ang isip, puso'y naliligalig
Ngayon ako ay narito Sa iyo nagsusumamo

Salamat po Ama at ika'y natagpuan
Ika'y na sumpungan, sa gitna ng kaguluhan
Salita moy tanglaw at naging gabay
Sa puso ko'y liwanag at naging patnubay

Kaya't aking dalangin, dingin ang panalangin
Isang Pusong dalisay ibigay sa akin
Upang sa pagsamba, wala ng balakid pa,
Itim na kulay saking puso'y dalisay na

To God be the Glory
#Pusongdalisay
#christianrap

Комментарии

Информация по комментариям в разработке