It’s Showtime July 18, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime July 18, 2024 | Full Episode

Maulan ba sa inyo? Dito sa ‘Showtime,’ uulan ng good vibes, tawanan, at papremyo. Signal number 3 ang energy sa studio dahil sa pa-dance number ni Ogie Alcasid. Classic hits ay binigyan niya ng new flavor para sa panlasa ng Gen Zs. With matching dance steps na kayang-kayang sabayan ng everybody.

Kantahan na may kasamang ka-cute-an ang ating pagsaluhan sa “Karaokids” kasama sina Argus, Enicka, Kulot, at Kelsey. Sa kanila ang singing, sa ‘Showtime’ hosts ang guess-sing.

Ingat lang sa pagpindot ng buzzer, baka di ka prepared! Tulad ni Lassy na napilitang sumagot nang wala sa plano. Sa larong ito, kung di ma-gets ang lyrics, i-analyze na lang ang tono. Plus point din ang pagiging observant, baka may ma-pick-up na clue sa paligid mo.

Medyo challenging ang guess-sing, kaya nang umabante sa jackpot round, maging sina Jhong Hilario at Jugs Jugueta ‘di in-expect ang panalo nila.

Si girlfriend na laging galit, sa barkada ipinagpalit. Nagkakilala sina Chichay at Ahldryn nang maging magkapitbahay, isang bakasyon. Nagkasalubong, nagkagustuhan, at nauwi sa relasyon na tumagal ng tatlong taon.

Pero sa mahabang panahon na ‘yon, naging struggle ni Chichay ang insecurities n’ya, na nauuwi sa overthinking na malala. Maging pag-a-add ni Ahldryn ng ibang babae sa social media ay dahilan ng kanyang pagka-‘praning,’ sa takot na si Ahldryn ay ma-attract sa iba at mawala ang feelings. Mula naman sa POV ni Ahldryn, nasakal siya sa pagiging selosa at overthinker ng nobya, kaya’t unti-unti siyang kumawala at naghanap ng comfort sa mga tropa.

Maki-chika at matuto sa kanilang kwento sa ‘EXpecially For You.”

Aiming for high scores ang dalawang estudyangteng kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Bitbit ang bandera ng Divine Word College of Calapan, hinarana ni Matt Trajeco ang madlang people at mga hurado sa awiting “Tagpuan.”

Buong-pusong lumaban ang future pulis mang-aawit ng Yllana Bayview College-Pagadian na si Trisha Eca. Tinig niya’y iduduyan ka sa alapaap sa pagkanta n’ya ng “Duyan.”

Matapos ang kanilang pagtatanghal, si Trisha ang umangat at nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Jolina Magdangal, at Ogie Alcasid.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке